PAANO IWASAN ANG MALALANG PAGTATAE SA MGA BISERO
Share
Malapit na naman ang tag ulan, at tuwing tag ulan doon nangyayari ang pagtatae ng mga kambing. At ang iniiwasan mong magtae ay yung mga batang kambing. Paano ba talaga maiwasan ang nakakamatay na problemang ito sa mga kambing. Ito ang tatalakayin namin sa vlog na ito.
DELIKADO ANG PAGTATAE SA BATANG KAMBING
Ang mga bisero ay mahihina sa pagtatae. Delikado ang pagtatae sa mga bisero na ang edad ay 1 to 5 months. Pag usapan natin ang pagtatae base sa edad.
PAGTATAE NG BISERO NA 1 to 2 MONTHS OLD
Ang 1 to 2 months old na kambing ay di dapat magtae. Pero kung nagtae man ito, ito ay sa kadahilanang medyo napalakas ito ng kain ng damo. Ang 1 to 2 months old na bisero ay hindi pa dapat lubusang umasa sa damo bilang pagkain. Ibig sabihin kung nakain man ito ng damo ay dapat bahagya lang.
Kung hindi ito pwedeng umasa sa damo bilang pakain, nararapat lang na supisyente ang gatas na makukuha nito sa inahin. At sa pagkakataong kinukulang ng gatas ang inahin, dapat ay gumamit ng mapagkakatiwalaang milk-replacer. Huwag basta basta sa milk replacer.
ang maling milk replacer ay magdudulot ng pagtatae sa bisero.
Bilang konklusyon, ang 1 to 2 months old na bisero ay pwedeng magtae dahil sa sobrang damo na kinakain o kaya naman milk replacer.
PAGTATAE NG 2 to 4 Months OLD NA BISERO
SA 2 to 3 months old na bisero naman, kalimitan nangyayari ang pagtatae dahil sa tatlong bagay na sumusunod:
MAIKLING DAMO
Iniiwasan ng kambing ang kumain ng maikling damo, pero sa pagkakataong wala na itong makain, ay kakainin nito ang maikling damo. Ang mga bulate ay karaniwang umaakyat sa bandang baba ng damo. Ito ay life cycle ng mga parasitiko. Ang mga parasitikong nasabi ay syang indirektang magiging dahilan ng pagtatae ng bisero.
ANG DEWORMING PROGRAM
Napakaimportante ng deworming program lalo na sa mga bisero edad 2 to 5 months old. Kapag ang pagpapakain ninyo ay sa pamamagitang ng pagpapastol, nararapat lang na magdeworm ng 30 to 45 days.
MAHINANG BISERO
Ang bisero na hindi nakatanggap ng mga kumpletong mga bitamina at mineral ay sadyang mahina. At kapag mahina ang kambing madali itong magtae.
Kaakibat ng magandang health program, ay magandang pakain. ang 2 to 4 months old na bisero ay dapat kumakain na ng iba't ibang damo. Kumpleto na rin dapat ang kinakain nito: damo at legumbre.
Kapag maganda ang katawan ng bisero, madali mo itong mabawi sa pagkakataon na magtae.
PAGTATAE NG 5 MONTHS OLD NA BISERO
Matibay-tibay na ang bisero laban sa pagtatae sa edad na 5 months. Kung nagtae man ito madali itong lunasan. Ang magandang deworming program ay supisyente para maiwasan ang malalang pagtatae
ANO ANG GAGAWIN PARA MAIWASAN ANG MALALANG PAGTATAE
Maraming pagkakataon na mabibigla tayo at may nagtatae tayong mga bisero. Ang malalang pagtatae ang siyang iniiwasan. Iba kung tumama ang pagtatae. Ang isang napakalusog na bisero ay maaring magpakita ng kakaibang reaksyon.
Unang bugso ng pagtatae, dapat solusyunan kaagad.
Hayaan nyong ikwento namin ang bisero naming si Wattle. Si Wattle ay nagtae kamakaylan. Makikitang nakataas ang likod nito ng sobra. Hirap ito, para bang nilalamig o may shivering. Sa isang pagkakaton ay kinukuskos pa nito ang kanyang pwet sa lupa.
Mabilis ang paglala ng pagtatae. Ang karamihan, kapag nagtae ang kambing ay diretsong dinedeworm nila. At nirerespeto namin ito pero sa naging obserbasyon namin, ang mas epektibong pag resolba ng pagtatae ng bisero ay sa pamamagitan muna ng "Oil of Oregano". Mabilis ang "oil of oregano", Karamihan ng nabigyan namin ng OIL of oregano ay umaayos sa loob lang ng 24 oras.
NATATAPOS LANG BA SA OIL OF OREGANO
Sa unang araw ng pagtatae ni wattle, ay binigyan kaagad namin ng 10ml na Oregano Oil sa umaga at inulit ang pagbigay ng 5ml naman sa hapon.
Ang anumang sakit ay sinusuportahan palagi ng mga bitamina. Kaya sa unang araw ng pagtatae ay nabigyan kaagad ng Chemshot LE. Sa loob lang ng 24 oras ay umokey ang kondisyon ni wattle. Itinuloy namin ang Oregano oil ng ng minsan lang.
Sa ikatlong araw ay napakalakas na ni wattle, wala na ang dumi duming pwet nito, Hindi na rin nanginginig ang buntot nito. Proud na proud at confident na itinaas ang likuran nito sa kamera.
Kasabay ng paglakas ni wattle ay pagdeworm namin gamit ang valbazen. By the way mga kasaydline, pwede din kayong gumamit ng wormvet lalo na kung nagtitipid kayo. Sa timbang ni Wattle na 15mL, ang kailangan lang ibigay ay 0.3ml na womvet.
Kasabay ng deworming ay binigyan din namin ng 3mL na Vitachem. Ang resulta ay napaka sayang doeling na si wattle
INUUNA ANG OIL OF OREGANO BAGO DEWORM
Ito na ang naging praktis namin sa farm at proud na proud kaming wala na kaming maalalang kambing na namatay dahil sa pagtatae. Alternative medicine ang Oil of oregano pero super effective ito laban sa pagtatae. xxx